answersLogoWhite

0

Best Answer

And di magandang maiidudulot ng pagsama ng Pilipinas sa ibat-ibaang organisasyon ay baka ma-BANKRUPT ang ating bansa dahil sa mga ito.

User Avatar

Wiki User

11y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: 'di kabutihang naiidudulot ng pagsama ng pilipinas sa iba't ibang organisasyon?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Continue Learning about American Government
Related questions

ano ang mga pagkakatulad ng metodo at ang pananaliksik?

Ano ang pinagkaiba at pagkakatulad ng metodo, metodolohiya at disenyo ? Ang disenyo ng pananaliksikdisenyo ng pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan.

Saranggola NI efren abueg tagalog version?

SaranggolaNi Efren R. AbuegRading, Paquito, Nelson… pakinggan ninyo ang kwentong ito. May isang lalaki, walong taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon."Anak, ibibili kita ng kawayan at papel. Gumawa ka na lamang ng saranggola," wika ng ama."Hindi ako marunong, Tatay," anang batang lalaki."Madali 'yan. Tuturuan kita," sabi ng ama at tinapik sa balikat ang anak.Bumili nga ito ng papel at kawayan at tinuruang gumawa ng saranggola ang anak."Tatay… ibili mo ako ng guryon," sabi uli ng bata sa ama."Anak, pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas. Madadaig mo ang taas at tagal ng lipad ng guryon!"Nainis ang bata sa kanyang ama."Kinakantyawan ako sa bukid, Tatay," anang bata. "Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang istasyon ng gasolina sa bayan… bakit daw kay liit ng saranggola ko!"Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak.Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng saranggola, pati na ang pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba namang guryon na lumipad nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang, wasak-wasak.Minsan sa pagpapataas ng lipad ng kanyang saranggola, napatid ang tali niyon. Umalagwa ang saranggola. Hinabol nilang mag-ama iyon at nakita nilang nakasampid sa isang balag."Tingnan mo…hindi nasira," nagmamalaking wika ng ama. "Kung guryon 'yan, nawasak na dahil sa laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung bumagsak, laging nawawasak."Nakalimutan na ng batang iyon ang tungkol sa saranggola nang maging katorse anyos siya. May iba na siyang hilig; damit, sapatos, malaking baon sa eskwela, pagsama-sama sa mga kaibigan."Anak… dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung masira, saka na papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang gasta. Hindi madaling kitain ang salapi," pagunita ng kanyang ama."Kawawa nga ako, Tatay," katwiran ng bata. "Anak ako ng tanging may-ari ng istasyon ng gasoline at machine shop sa bayan natin, pero ang itsura ko… parang anak ng pobre.""Disente ka naman, a. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa eskwela at husto ka rin sa pagkain. Hindi dapat sobra sa mga pangangailangan ang isang kabataang tulad mo. Hindi natututuhan ang pagtitipid."Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng hinanakit dito. Tinipid siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsama-sama sa mga kabarkada at madalas, pinatatao sa istasyon ng gasolina at pinatutulong sa machine shop kung araw na walang klase."Pinahihirapan talaga ako ng Tatay," puno ng hinanakit ang tinig na pagsusumbong ng bata sa ina. "Kaisa-isa pa naman akong anak, ang turing niya sa akin… parang ampon!""Hindi totoo ang sinabi mo, anak," malumanay na sansala ng kanyang ina sa paghihinanakit niya sa ama. Alam mo mataas ang pangarap niya para sa iyo.""Bakit? Ano ang gusto niya para sa akin?""Ibig niyang maging mahusay kang inhinyero."Hindi na kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama. Gayunman, hindi siya makapaghimagsik dito. Iginagalang niya ito at pati ang kanyang ina.Nang labingwalo na siya napagkaisahan ng kanyang mga barkada na kumuha sila ng commerce."Mabuti 'yon. Magsama-sama tayo sa isang unibersidad," mungkahi ng isa sa limang magkakaibigan.Pumayag siya. Ngunit nang kausapin niya ang ama, tumutol ito."Inoobserbahan kita, anak. Hindi mo hilig ang commerce. Palagay ko mechanical engineering ang bagay sa iyo. Tanungin mo ang iyong ina."Masama man ang loob, sumangguni pa rin siya sa ina."Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama, anak. Pero sa tingin ko….engineering nga ang bagay sa iyo. May machine shop tayo…sino ba ang magmamana niyon kundi ikaw?"Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang barkada. Napag-isa siya sa pag-aaral sa lunsod at ngayong binata na siya, hindi na hinanakit kundi paghihimagsik sa ama ang kanyang nadarama."Ayoko nang mag-aral, Inay," sabi niya sa kanyang ina nang dalawin siya nito sa dormitoryo. "Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ako ginaganoon ni Itay? Gusto ba niya akong pahirapan?"Pinayapa ng kanyang ina ang kanyang kalooban."Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makabubuti sa iyong hinaharap.""Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?""Makabubuting matuto kang magtiis. Pagkatapos mo naman ng pag-aaral at magtagumpay ka sa hanapbuhay, magiging magaan sa iyo ang lahat.""Bakit kailangan ko pang magtagumpay? Hindi ba't ipamamana ninyo sa akin ni Itay ang ating kabuhayan?""Totoo iyan, anak…pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi mo alam ang mga hirap sa pagtatayo niyan?"Hindi maintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ina, subalit naisip niyang makapagtitiis pa siya. Isinubsob na lamang niya ang ulo sa pag-aaral.Nakatapos naman ng inhinyerya ang binata. Hindi siya pangunahin sa klase, ngunit sa pagsusulit sa gobyerno, nakabilang siya sa nangungunang unang dalawampu."Ngayon anak…bibigyan kita ng limampung libong piso. Gamitin mo sa paghahanapbuhay," sabi ng kanyang ama nang makuha na niya ang lisensiya bilang mechanical engineer.Namangha siya."Akala ko…ako na ang hahawak ng ating machine shop pagkatapos ko ng pag-aaral," nawika niya sa ama."Bata pa ako, anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan. Saka ibig ko, magpundar ka ng sariling negosyo.""Bakit pa, Itay? Mayroon na tayong negosyo.""Mabuti na 'yong makatindig ka sa sarili mong mga paa."Tinanggap niya ang halagang ipinagkaloob ng ama. Humiwalay na rin siya ng tirahan sa mga magulang."Alam kong malaki ang hinanakit mo sa iyong ama. Gayunman, ibig kong isaisip mong, ang kinabukasan mo ang lagi niyang inaalala."Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya nanininwala sa sinabi ng kanyang ina. Naging lubos ang paghihimagsik niya sa kanyang ama.Nagtayo siya ng isang machine shop sa dulo ng kanilang bayan. Agad-agad siyang pinagsadya ng kanyang ama."Bakit hindi pa sa ikatlong bayan ka nagtayo ng machine shop? Magkukumpetensiya pa tayo rito.""Akala ko ba'y bahala na ako sa buhay ko, Itay?"Natigilan ang kanyang ama. Saka napapailing, nag-iwan pa ito ng salita bago lumisan."Kung sa bagay…mabuting magturo ang karanasan!"May isang taon ding nagtiyaga ang binata sa pamamahala ng kanyang maliit na machine shop sa dulong bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil higit na malaki ang machine shop ng kanyang ama at mahusay ang mga tauhan nito. Nagkautang tuloy siya ng labindalawang libo sa mga kinukunan niya ng materyales. Nang hindi siya makabayad, inilit ang mga makinang kanyang ginagamit."Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi ka sumunod sa mungkahi ko na umiwas sa kumpetisyon. Subukin mo namang maghanap ng puhunan sa sarili mong pagsisikap."Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang sa mga magulang. Dumabog siya sa harap ng ama."Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan ba ninyong makitang nahihirapan ako?""Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. Hindi madali ang mabuhay sa mundo, anak.""Hindi ba kaya may mga magulang ay para gumaan ang buhay ng mga anak?""Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nasa mga itinuturo nila sa mga ito."Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man lamang nagpaalam kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho hanggang pagkaraan ng limang taon, nakaipon siya ng sampung libong piso at nakabili ng maliit na machine shop. Kumuntrata siya ng paggawa ng tambutso sa isang auto assembler at kumita siya nang malaki. Sa loob ng tatlong taon, gumawa na rin ang machine shop niya ng mga partes ng kotse.Ang dugo ay dugo, anang kasabihan, kaya dinadalaw ang lalaki ng kanyang may edad nang ina. Isang araw, dumating ito sa kanilang bahay, gaya ng dati may pasalubong sa tatlong apong lalaki."Ibig ng Itay mong makita ang kanyang mga apo, pero hindi siya makadalaw dahil sa hinanakit mo," sabi ng kanyang ina."Kinalimutan ko na, Inay, na nagakaroon ako ng ama!"Umiyak ang kanyang ina."Kung gayon… baka hindi na kayo magkita, anak!" nawika nito bago umalis.Sa tindi ng hinanakit, hindi pa rin niya binigyang-halaga ang bulalas na iyon ng kanyang ina. Nagpakagumon siya sa trabaho, naghanap pa ng mga bagong kontrata hanggang sa loob pa ng dalawang taon, kilala na ang kanyang machine shop sa Pasay. Isang araw, hindi niya dinatnan ang kanyang asawa at tatlong anak sa bahay."Nasaan sila?" usig niya sa katulong."Umuwi ho uli sa probinsya. Patawirin daw ho ang inyong ama!""Umuwi uli? Bakit, lagi ba sila roon?"Tumango ang tinanong na katulong."May dalawang ulit na hong regular silang nagpupunta roon. Dinadalaw ang inyong matanda."May poot na sumiklab sa kanyang dibdib. Nanlambot siya sa galit. Ngunit sa pagkaunawang patawirin ang kanyang ama, nagbalik sa kanyang isip ang masasayang sandali sa piling nito. Nagunita niya ang pagpapalipad nila ng saranggola."Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas, nasa husay, tiyaga at ingat iyan!"Magdamag siyang hindi mapalagay. Lagi niyang naiisip ang sinabing iyon ng kanyang ama. Kinabukasan, sakay ng kanyang kotse, nagbalik siya sa bayang sinilangan."Patay na siya!" bulalas ng kanyang asawang umiyak sa kanyang dibdib.May nabugnos na moog sa kanyang puso. Nahalinhan ng pagsisisi ang hinanakit. Nilapitan niya ang ina at sa pagkakayakap dito, umiyak siya nang marahan, kasamang nagdadalamhati ang lahat ng himaymay ng kanyang laman."Huwag kang umiyak… namatay siyang walang hinanakit sa iyo." Anas ng kanyang ina."Wa-walang hinanakit?""Oo, anak… dahil natupad na ang pangarap niya. Nasa itaas ka na. At sabi niya sa akin, pati sa asawa mo… nakatitiyak siya na makapananatili ka roon."Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito, parang lumundag ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod niyon, nagunita na naman niya ang pagpapalipad nila ng saranggola."Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas. Hayaan mo… tuturuan kita!" paliwanag na ama.Rading, Paquito, Nelson…tandaan ninyo ang kwentong iyan. Kwento 'yan namin ng inyong namatay na lolo. Kwento naming dalawa.

Saranggola ni efren abueg?

Kumpletong talambuhay ni efren Reyes abueg?

Ang kwentong ito'y tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng kawalang-malay ng mga batang si Ariel at Cleofe. Kapwa sila walong taong gulang at magkababata. Ang kanilang daigdig ay umikot sa isang paraiso'y langit ang kawangis, madalas silang maglaro sa bakuran ng kanilang bahay na malapit sa isang dalampasigan. Tahimik ang kanilang mundo at mistulang walang suliranin. Ang kanilang mga magulang ay hindi nag-aaway at relihiyoso. Pareho silang nag-aaral kasama pa ng ibang bata sa isang maliit na gusali sa may dakong timog ng kanilang nayon at marami silang pangarap. Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang dalawa'y madalas magpalipas ng oras sa loob ng kanilang bakuran, mula sa umaga hanggang sa hapon. Umaakyat sila sa mga puno kahit na marurupok, maaligasgas at malulutong na ang mga sanga nito. Nagagasgas ang kanilang mga tuhod, nababakbak ang balat sa kanilang siko, nagagalusan ang kanilang mukha at kung minsan ay nababalian pa ng buto dahil nahuhulog ngunit ang lahat ng iyon ay hindi nila iniinda, patuloy pa rin sila sa paglalaro. Sa may lilim ng punong mangga kung saan ay makapal ang damo kung umaga ay nandun silang dalawa naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran, at kung sila'y hinihingal na sa pagod ay hihiga sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang langit at magkukunwaring aanawin sa langit ang kanilang mukha. Magtataka ang batang babae at tatanungin ang batang lalaki kung makikita nga ba ang mukha sa langit at sasagutin ito ng batang lalaki ng bakit hindi sapagkat ang langit daw ayon sa kanyang itay ay isang malaking salamin. Pagkaraan tumingin ng matagal sa langit sila'y parehong makakatulog at magigising na lamang sa tawag mula sa kanilang bahay. Kung minsan, ang batang lalaki ang unang magigising; kung minsan naman ay ang batang babae. Ngunit sinuman sa kanila ang unang magising, ay kukuha ito ng kaputol na damo at kikilitiin ang tainga ng natutulog. At ang natutulog naman ay magigimbala sa kanyang pagkakahimbing at pagkarinig na siya'y pinagtatawanan ay magtitindig at ang nangiliti ay mapapaurong at anyong tatakbo at sila'y maghahabulan sa damuhang iyon hanggang sa mapagod at sila'y muling babagsak na naman sa damuhan sa kapaguran, magkatabi at hindi nila pinapansin ang pagkakadantay ng kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga katawan. At kapag sila naman ay nagsasawa na sa looban ay sa dalampasigan naman sila pupunta kung malamig na ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibi, naghuhukay ng hilamis sa talpukan, o kaya'y gagawa ng kastilyong buhangin, o kaya'y nanunugis ng mga lamang-dagat na nagtatago sa ilalim ng buhangin. Ngunit hindi lang yon ang kanilang ginagawa: naghahabulan din sila dito at kapag napagod na ay mahihiga rin sila sa buhanginan, tulad ng ginagawa nila sa damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatabi ay nagkakatinginan sila. Minsan ay naitanong ng batang lalaki sa batang babae ang tungkol sa tumutunog sa kanyang dibdib at kung ito'y kanya bang naririnig. Nagtaka ang batang babae at bumangon ito at tumingin sa nakatihayang kalaro. Inilapit nito ang kanyang tainga sa dibdib ng batang lalaki, dumadait ang katawan niya sa katawan ng kalaro at nalalanghap naman ng nakahiga ang halimuyak ng kanyang buhok. Nakangiting sinabi ng batang lalaki sa batang babae na mabango pala ito. Sinabi ng batang babae na hindi naman daw siya nagpapabango at lumupasay ito sa tabi ng nakahigang kalaro. Sinabi niya pa na paglaki pa raw niya ay saka lamang siya magpapabango dahil yon ang sinabi ng kanyang nanay. Tinanong ng batang lalaki kung narinig ba ng kalaro ang tunog na nagmumula sa dibdib nito at sinagot siya ng batang babae ng oo at tinanong kung ano ang ibig sabihin niyon. Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. Sinagot na lamang ng batang lalaki ang kalaro ng malay daw niya at niyaya na nitong umalis na sila. Bumangon ang batang lalaki at inayos ang sarili at nagsimula nang lumakad. Sinabayan ito ng batang babae at habang isinasalisod nila ang kanilang mga paa sa buhanginan habang lumalakad, nakatanaw sila sa papalubog na araw. "Ang ganda, ano?" naibulalas ng batang lalaki. "Parang may pintang dugo ang langit." "Oo nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog na?" tanong naman ng batang babae. Hindi sumagot ang batang lalaki. Ipinagmamalaki ang dalawang bata ng kanilang mga magulang at ng kanilang mga kanayon. At kinaiingitan naman sila ng ibang mga batang hindi nagkaroon ng pagkakataong makahalubilo sa kanila. "Siguro, paglaki ng mga batang 'yan, silang dalawa ang magkakapangasawahan." Naririnig ng dalawang bata ang salitang iyon at sila'y nagtataka. Hindi nila madalumat ang kaugnayan ng kanilang pagiging magkalaro sa isang hula sa hinaharap. Higit pang nakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga kaklase na silang dalawa'y parang tuko - magkakapit. At minsan nga ay napalaban ng suntukan ang batang lalaki. Isang batang lalaking malaki sa kanya ang isang araw na pauwi na sila, ay humarang sa kanilang dinadaanan at sila'y tinudyo nang tinudyo. "Kapit-tuko! Kapit-tuko!" Umiyak ang batang babae. Napoot ang batang lalaki. Ibinalibag sa paanan ng nanunudyong batang lalaki ang bitbit na mga aklat. Sinugod nito ang kalaban. Nagpagulung-gulong sila sa matigas na lupa, nagkadugo-dugo ang kanilang ilong, nagkalapak-lapak ang kanilang damit, hanggang sa dumating ang guro at sila'y inawat at sila'y pinabalik sa silid-aralan at pinadapa sa magkatabing desk at tumanggap sila ng tigatlong matinding palo sa puwit. Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At sila'y nag-isip, na lalo lamang nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-malay. Namulaklak ang mga manga, namunga, nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang mamamakyaw at sa loob ng ilang araw, nasaid sa bunga ang mga sanga. Namulaklak din ang mga santol at iyon ay tinanaw ng dalawang bata sa pagkakahiga nila sa damuhan at sila ang unang sumungkit sa mga unang hinog. Nangalaglag ang mga dahon ng sinigwelas, namulaklak at dumaan ang mahabang tag-araw, at ang damuhan ay natuyo at ang kanilang naging tagpuan ay ang dalampasigan at madalas man sila roon ay hindi nila masagut-sagot ang bugtong kung bakit kulay-dugo ang silahis ng araw kung dapithapon. At sa wakas ay namunga ang sinigwelas, mga luntiang bubot na pinitas nila ang ilan at pagkaraang isawsaw sa asin ay kanilang tinikman at sila'y naasiman at idinalangin nila ang maagang pag-ulan --- sapagkat sabi ng kanilang mga lola'y madaling bibintog at mahihinog ang bunga ng sinigwelas kapag naulanan. Sila'y naniwala at hinintay nila ang ulan, at nang pumatak iyon nang kalagitnaan ng Mayo silang dalawa'y naghubad, naligo sa ulan, naghabulan sa looban at nayapakan nila ang mga tuyong damo, na waring bangkay ng isang panahong hinahalinhan ngayon. Pagkaraan pa ng ilang araw, nadungawan nilang hinog na nga ang sinigwelas. Nagmamadali silang nanaog at ang batang lalaki'y umakyat sa puno at ang batang babae naman ay naghanap ng sungkit. At ang pamumulaklak at pamumunga ng manga, santol, at sinigwelas at ng iba pang punungkahoy o halaman sa loobang iyon ay nagpatuloy. Ang damuhan ay natuyo at muling sinibulan ng bagong supling; ang araw ay lumubog at sumikat at hindi pa rin nagbabago ang kulay ng silahis niyon kung dapithapon. Ang paaralan sa nayon ay malapit nang magpinid; ang guro ay naghanda na ng isang palatuntunan; ang mga magulang ay walang pinag-usapan kundi ang katalinuhan ng kanilang mga anak. Mabilis na lumipas ang oras at dumating na ang araw ng pasukan, ang batang lalaki at batang babae ay sakay ng kalesa patungo sa bayan. Doon sila mag-aaral ng hayskul. Ngunit iba na ang kanilang ayos. Ang batang lalaki'y nakalargo na at pantay na ang hati ng kanyang buhok na nangingintab sa pahid na pomade. Samantala, ang batang babae ay may laso sa buhok, na nakatirintas at ang kanyang suot na damit ay lampas tuhod at hindi nakikita ng batang lalaki ang alak-alakan nito. Dito dumaan sa kanilang buhay ang isang pagbabago, na hindi nila napigil at siyang nagbukas sa kanila upang masaklaw ng tingin ang paraisong kanilang kinaroroonan. Sa paglawak ng kanilang daigdig, ang batang lalaki'y hindi na sa batang babae lamang nakikipaglaro. Isang araw, sa likod ng paaralan, isang pangkat ng batang lalaki ang nakapabilog at isang batang lalaki ang nasa loob niyon at may ipinakikita sa mga kasamahan. Nakisiksik sa mga batang lalaki at nakita niya ang isang bagay na natuklasan niyang kailangang mangyari sa kanya. Umuwi siyang parang tulala nang hapong iyon at kinagabihan ay hindi siya nag-aral. Naupo siya sa baitang ng kanilang hagdan at nag-isip hanggang sa makita siya roon ng kanyang ama. Inusisa niya sa ama ang kanyang natuklasan sa paaralan at itinanong niya rito kung bakit kailangang gawin pa iyon. Napatawa ang kanyang ama. Tinapik siya nito sa balikat. At sinabi sa anak na kailangan daw 'yon para siya'y maging ganap na lalaki. Natingala lamang niya ito at ang pamimilog ng kanyang mga mata'y naghiwatig ng pagkakaroon ng lamat sa kanyang kawalang-malay. Sinabi pa ng ama sa anak na isang araw ay isasama daw siya nito kay Ba Aryo. Maging matapang lamang daw siya sana. Ibig niyang ipagtapat iyon sa batang babae, ngunit aywan niya kung bakit nahihiya siya. Ngayon lamang iyon. Kaya't kahit patuloy pa rin silang naglalaro sa damuhan o kaya'y nagtutungo sa dalampasigan tuwing wala silang pasok, ang alalahanin ukol doon ay nakabawas sa sigla ng batang lalaki. At isang araw, Sabado ng umaga, isinama siya ng kanyang ama sa bahay ni Ba Aryo sa tabi ng ilog. Ngumata siya ng dahon ng bayabas, pumikit siya at pagkaraan ng iba pang ginawa, siya'y itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog. "Ang damuho…pagkalaki-laki'y parang hindi lalaki." Ang narinig niyang iyon kay Ba Aryo, kabuntot ng malutong na halakhak ng kanyang ama ay natanim sa kanyang isip at patuloy na nagpalaki sa lamat sa kanyang kawalang-malay. Kasunod ng pangyayaring iyon, aywan niya kung bakit iba na ang kanyang pakiramdam. Gayong magaling na ang sugat na nilikha isang umaga sa harapan ng bahay ni Ba Aryo, hindi pa rin nagbabalik ang kanyang sigla. Natitigilan siya kung nakikipaglaro sa batang babae. Nangingimi siyang tumabi rito kung ito'y nakahiga sa damuhan o sa dalampasigan. Hanggang isang araw ay napansin niyang mapupula ang mga mata ng batang babae nang dumating ito isang dapithapon sa tabing-dagat. "Bakit?" usisa niya. "Wa-wala..wala!" Nag-isip ang batang lalaki. Naisaloob niyang baka ang kawalang-sigla niya sa pakikipaglaro rito ang dahilan. Tinudyo niya ang batang babae, kiniliti, napahabol dito..hanggang sa mahawa ito at sila'y naghabulan na sa buhanginan. Humahagikgik pa sila nang mapatong ang kamay ng batang lalaki sa kanyang dibdib at madama niyang lalong Malakas ang pintig doon. "Tignan mo…pakinggan mo ang tunog sa dibdib ko," anyaya ng batang lalaki. Ngunit hindi kumikilos sa pagkakahiga ang batang babae. Nakatitig lamang ito sa maaliwalas nang mukha ng langit. Nagtaka ang batang lalaki. Bumangon ito at tinunghan ang nakahigang kalaro. Nangingilid ang luha sa mga mata nito. "Bakit?" Saka lamang tumingin ang batang babae sa batang lalaki. At ito'y umiyak at ang luhang tumulo sa pisngi'y pinahid ng palad at ang palad na iyong ipinatong sa buhanginan ay pinaniktan ng buhangin. At sa isang basag na tinig ay sinabi ng batang babae sa kalaro na hindi na daw sila maaring maglaro gaya ng dati. "Hindi na?" sagot ng batang lalaki na parang sasabog sa kawalang-malay ang katauhan ng batang lalaki. "Malalaki na raw tayo…malalaki nang tao. Hindi raw maglalaon, tayo'y magiging dalaga…at binata." "Sinabi 'yon ng Nanay mo?" "Oo, sinabi niya…na hindi na tayo maaring maghabulan, o kaya'y umakyat sa punongkahoy o kaya'y pagabi rito sa tabing-dagat," sabi pa ng batang babae. "Kangina sinabi sa'yo ng Nanay mo?" Tumango ang batang babae. "Ngayon daw…hindi na tayo bata. Ako raw ay dalagita na…at ikaw raw ay binatilyo na!" At waring ang batang lalaki'y nagising, napagmasdan niya ang kanyang mga bisig, ang kanyang katawan at sa harap ng kanyang kalaro ay nauunawaan niyang totoo ang sinabi nito. "Ayaw ka na palang papuntahin dito'y…bakit narito ka pa… gabi na!" Nagbangon ang kanyang kalaro. Humarap sa kanya. Palubog na noon ang araw at mapula ang silahis niyon sa langit. Ang mukha ng dalawa ay animo mula sa malayo at ang pakakahawak nila sa bisig ng isa't isa ay parang isang pagpapatunay ng tibay ng tanikalang bumibidbid sa kanilang katauhan. Hindi na nga sila mga bata. Siya'y dalagita na. Siya naman ay binatilyo na. Ang pagbabagong iyon ang nagpaunawa sa kanilang may tumataas nang dingding sa pagitan nila. Nagkikita pa rin sila sa looban, ngunit hindi lamang tulad nang dating nagtatagal ang kanilang pag-uusap. Ngayon, parang lagging may nakatingin sa kanilang mga matang nagbabawal. Sa looban, ang kanilang mga magulang; sa paaralan, ang kanilang guro. At ang kanilang tawa tuloy ay hindi na matunog; ang hiyaw ng dalagita ay hindi na matinis, Malayo sa hiyaw nito noong araw; ang kanilang pag-uusap ay hindi na Malaya at pumipili na sila ng mga salitang kanilang gagamitin. At buwan-buwan, ang dalagita ay may kapirasong damit na itinatago sa ilalim ng kanyang katre at kapag tapos na sa paglalaba ang kanyang ina ay palihim niyang lalabhan sa silong at ikukula sa kubling bahagi ng kanilang likod-bahay. Minsan ay natutop siya ng kanyang ina sa paglalaba sa silong at sinabi nito sa kanya: "Hindi mo na kailangang dito pa labhan 'yan…" Nagtapos sila ng hayskul. Nagkamay sila pagkaraang maabot ang kani-kanilang diploma. At nang magsasayawan nang gabing iyon, magkatambal sila. Gayong hindi naman sila nahapo, ang tibok sa kanilang dibdib ay mabilis at malakas at ngayon ay hindi maungkat iyon ng binatilyo. Nagsayaw sila, nag-uusap ang kanilang mga mata ngunit ang kanilang labi'y tikom at kung gumalaw man ay upang pawiin ang panunuyo o paglalamat niyon. At hindi nila alam na ang tibok ng pusong iyon ay isa pang pangyayaring nagpapalaki sa lamat sa kanilang kawalang-malay. Maliwanag ang narinig na salita ng dalagita: Kung gusto mong makatapos ng karera, huwag muna kayong magkita ni Ariel. Naunawaan niya ang ibig sabihin niyon, ngunit ang pagtutol ay hindi niya maluom sa kanyang kalooban. "Pero, Inay…kaibigan ko si Ariel." May himagsik sa kanyang tinig. "Kahit na…kayo'y dalaga at binata na. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin." May langkap na tigas ang sagot na iyon. Alam niya ang kahulugan niyon: Masama: Parang pait iyong umuukit ng kung anong bagay sa kanyang isip. At saglit iyong inagaw ng tinig ng kanyang ama. "Ibig kong magdoktora ka, kaya kalimutan mo muna ang mga lalaki!" At ang pait na may iniukit sa kanyang isip ay parang pandalas na pinukpok at ang kanyang katauhan ay nayanig at ang tunog ng pagpukpok ay nag-aalingawgaw ng: Lalaki! Lalaki! Hindi siya nakatagal sa harap ng kanyang mga magulang. Nakatiim ang mga labing pumasok siya sa kanyang silid. "Ayaw nila…ng Inay…ng Itay…masama raw," at ang mga labi niya'y nangatal, kasabay ng luhang umahon sa kanyang mga mata. Nang minsang dalawin ng binata ang dalaga sa dormitoryo ay pinakiusapan siya ng dalaga na huwag na muna silang magkita. Napatitig lamang ang binata sa dalaga. Minsan, ang binata ay umuwi sa lalawigan. Mapanglaw ang kanyang mukha at napuna iyon ng kanyang ama. Nalulungkot ang binata sapagkat ayaw ng makipagkita sa kanya ni Cleofe. Nagtawa ang kanyang ama, tulad ng nakaugalian nito tuwing may ilalapit siyang suliranin. Sinabi ng ama sa anak na magkakalapit din namang sila muli pag nakapagtapos na ang dalaga. At gusto ng mga magulang nito na maging doktora ang anak. Pasigaw ang alingawgaw ng kanyang tinig sa kanyang isip. "At habang nagdodoktora siya ay masama kaming magkita?" "Tama ka!" maagap na pakli ng ama. "Hindi mo ba alam na kapag malapit ka sa babae ay malapit ka rin sa tukso!" At ang dalawa'y hindi na nga nagkita, gayong nasa lungsod na maliit at maglakad ka lamang sa mga lansangan ay hindi ka mawawalan ng makakasalubong na kakilala. Mangyari'y iniwasan nila ang magkita, at hindi sila nagkita sapagkat inihasik sa kanilang isip na ang pagkikita nila ay masama, tukso. Nabubuhay sila ngayon sa isang bagong daigdig, daigdig ng aklat, ng matataas na gusali ng malalayong kabataan sa kapaligiran. Hindi sila nagkita sa loob ng mahabang panahon. Hindi sila nakatiis. Isang araw na hindi sinasadya'y nagkasalubong sila sa pamimili ng kagamitan. Kapwa sila napahinto sa paglalakad at nabangga na sila ng mga tao sa bangketa ay hindi pa rin sila makakilos. Ang binata ang naglakas-loob at binati niya ang dalaga. Hindi nakasagot ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa mukha ng binata at nang anyayahan siya nitong magpalamig sila sa isang kanugnog na restawran ay napasunod lamang siya, napatangay sa agos kanyang damdamin. At sa harap ng kanilang hininging pagkain, sila'y nagkatitigan at sila'y nakalimot at akala nila'y nasa luntiang damuhan sila sa looban sa lalawigan, nakahiga at nakabaling sa isa't isa. At sila'y nagkita sa Luneta, hindi lang minsan kundi maraming pagkikita, maraming-marami at ang kanilang sikil ng damdamin ay lumaya at sa unang pagkakataon, pagkaraan ng ilang buwan, sila'y lumigaya. Ngunit ang inihasik na binhi ng pagkakilala sa masama at sa mabuti sa kanilang isipo ay sumibol na at nagpaunawa sa kanilang ang ginagawang iyon ay masama. Ngunit sila'y naghihimagsik. Nakatanggap ng sulat ang dalaga mula sa kanyang mga magulang. May nakakita sa kanilang dalawa ni Ariel na magkahawak-kamay sa Luneta, sa pook na dapat pakaiwasan. Hindi man lang daw sila nahiya. Hindi na ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbasa sa liham. Nagbabanta ang mga sumusunod pang talata: luluwas ang ama mo kapag hindi mo itinigil ang kabaliwang yan. Pinagsabihan din ang binata ng mga magulang nito sapagkat nakaabot na pala sa mga ito ang nangyari. Muli na namang ipinaalala sa binata na ang babae ay isang tukso. Ibig niyang umalis sa silid na iyon at upang hindi na marinig ang alingawngaw ng katagang iyon: tukso --- tukso ---- tukso! Sinabi ng dalaga: hindi na ngayon tayo maaaring magkita. Sinasabi ng binata: magkikita tayo… magtatago tayo…ililihim natin sa kanila ang lahat. At sila nga ay nagkita, sa mga pook na hindi sana nila dapat pagkitaan, ngunit doon sila itinaboy ng kanilang paghihimagsik ng takot na matutop at ng pangangailangan. Ang daigdig nila ngayon ay makitid, suluk-sulok, malamig din, ngunit hinahamig ng init ng kanilang lumayang mga katawan. Maligaya sila sa kanilang daigdig. Maligaya sa kanilang bagong paraiso. Hanggang isang araw ay kumulog, dumagundong ang kalawakan, at nangagulat ang mga tao sa lansangan; pamaya-maya, pumatak ang ulan, na ang pasimulang madalang ay naging masinsin. Ang dalaga ay dumungaw sa bintana - masama ang kanyang pakiramdam. May kung anong nakatatakot na bagay sa kanyang katawan na ibig niyang ilabas, na ibig niyang itapon. At iyon ay umaakyat sa kanyang lalamunan. Humawak siya sa palababahan ng bintana. Tumingala siya upang pawiin ang pagsama ng kanyang pakiramdam. Natanaw niyang maitim ang langit at naisip niyang magtatagal ang ulan. Tumungo siya at nakita niyang nilinis ng tubig ang bangketa at kasabay ng kanyang pagtungo, parang may isinikad na pataas sa lalamunan ang kanyang bituka at siya'y napanganga at siya'y napapikit at siya'y napaluha at paghigpit ng kanyang hawak sa palababahan ng bintana ay napaduwal siya…at ang lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa bangketa at sandaling kumalat doon at pagkaraa'y nilinis ng patak ng ulan, inianod ng nilikhang mumunting agos sa gilid ng daan. At ang dalaga'y napabulalas ng iyak.

Buod ng Sa Bagong Paraiso ni Efren Abueg?

Paghuhukom ni lualhati bautista?

ANG PAGHUHUKOM(Bahagi ng Nobela)Isinalin ni Lualhati BautistaAng panahon ng tag-ulan, nang malamig at preskong panahon na tumutulong sa mga puno para magsibol ng mga bagong dahon at humuhugas sa mga karumihan, ay hindi pa natatapos.Pagtuloy sa pagdating ang mga araw at gabi, kahit sa anong panahon…Ang pagdaraan ng mga araw ay sumaksi sa pagpapahid ni Fak ng balsamo sa kanyang mga sugat para mabawasan ang pamamaga sa kanyang mukha at ibsan ang sakit na nadarama ng kanyang loob. Habang dumaraan angmga araw, ang mga sariwang sugat ay natuyo, nag-iwan ng mahabang pilat sa ibabaw ng kanyang kaliwang kilay. Ang mga araw at gabi'y patuloy na dumarating kay Fak…Pero ang mga dumaraang mga araw at gabi ay hindi na makapagsasauli sa apat na ngiping nawawala sa bibig ni Fak, katulad ding hindi na niyon mapipigil ang kamay ni Fak sa pag-abot sa bote ng alak at pagdadala roon sa kanyang bibig. Kaya ang dumaraang mga araw at gabi ay sumaksi sa walang humpay na pag-inom ni Fak sa mga oras na siya'y gising. Ang pambubugbog na tinanggap ni Fak ng gabing iyon ay hindi lang nag-iwan ng sakit sa kanyang katawan kundi nag-iwan din ng tatak sa kanyangisipan. Sa loob ay nakadarama siya ng galit at pangangailangang makapaghiganti, at nag-iisip pa nga siya ng paraan kung paano niyabubuweltahin ang mga nanakit sa kanya.Natatandaan niya nang malinaw nadalawa sa tatlong taong sumalakay sa kanya ng gabing iyon ay sina Thid Tiengat Tid Song. Kailangang makahanap siya ng paraan para ipatikim sa dalawang taong iyon ang sakit at kirot na dinaranas niya. Gusto niyang puntahan ang mga ito sa bahay nila at suntukin sa mukha o magdala ng kutsilyo at saksakin sila hanggang sa magmakaawa ang mga ito na huwag niyang patayin. Paminsan-minsan, napapanaginipan niya na nakaupo daw siya sa dibdib ni Thid Tieng at walang humpay na pinagsusuntok ito at paggising niya, damdam niya'y nagawa niya talaga ang nagawa niya sa panaginip at umahon ang kasiyahan sa loob.Gayunman, sa pagdaraan ng mga araw, naglubag ang kagustuhan niyang makapaghiganti at unti-unti ay mabagal silang napawi ng tuluyan. Marahil ay dahil hindi si Fak ang likas na ganoong tipo ng tao. Isa siyang tao na ang gusto'y kapayapaan, na takot makipag-away at walang sapat na akalupitan parapumatay. Naisip niyang ireport sa pulisya ang nangyari pero natatakot naman nabalikan siya at salakaying muli ng pamilya ng dalawa, at hindi na matatapos agad ang gulo. Nang iwan na siyang lubos ng hangarinniyang makapaghiganti, naisip na lang niya:"Kalimutan mo na iyon!"Minsa'y ang sarili pa nga ang sinisisi niya sa pagsasabing hindi niya dapat pinukol ng niyog ang bata. Gayunman ay naiwan nang wasak ang kanyang isip, tulad sa isang pirasong salamin na binasag at paulit-ulit na dinurog. Lahat ng nangyari'y lumikha ng ganap na pagbabago kay Fak, at kahit nagawa niyang hamigin ang sarili'y hindi na siya magiging tulad pa rin ng dati, at mahabang-mahabang panahon bago niya maibalik ang sarili sa normal. Ang buhay niya'y kontrolado ngayon ng takot. Hindi na siyamakapangahas na lumabas ng bahay niya sa gabi at hindi na kailanman nagtungo sa bahay ni Lung Khai, maliban na lang sa kalagitnaan ng araw o saaraw ng Sabado't Linggo.Tuwing makakarinig siya ng kaluskos ng taonglumalakad sa kanyang likuran, itutulak siya ng takot na lumingon at tumingin. Minsa'y wala namang kahit ano doon. Kung naglalakad siya nang wala sa loob at narinig niya ang ihip ng hangin sa mga puno, lulundag ito sa takot ang puso niya at bibilis ang kanyang kaba. Wala siyang magagawa kundi mapako sa kinatatayuan at pawisan. Sobra ang kanyang nerbiyos na minsa'y di niya mapaghiwalay ang realidad ng nangyari sa kanyang mga takot at panaginip. Natakot siya sa dilim, natakot sa malalakas na ingay at sa mga ingay nanagpapaalala sa kanya sa mga tunog na naririnig niya nang gabing iyon, atantimanong sumayad ang takipsilim ay mabilis niyang aabutin ang bote parauminom hanggang sa makatulog…Ang balita ng pambubugbog kay Fak ay agad-agad na kumalat sa nayon at hindi nagtagal ay iyon na lang ang nasa labi ng mga tao, at sa ayos ay walana iyong katapusan. Gayunman, walang bumabanggit ng tungkol sa mga taong may kagagawan ng pagkalagas ng mga ngipin ni Fak ay walang nag-abalang mag-imbestiga o magsampa ng reklamo laban sa mga taong sumalakay sa kanya. Nag-ipun-ipon ang mga tao sa nayon para pag-usapan ang nangyari ng gabing iyon.Isang grupo ng mga tao ang nag-usap tungkol sa iba't ibang dahilan na humangga sa pangyayari at lahat sila'y nagkaisa na inabot lang ni Fak ang dapatsa kanya. Bagama't sila'y walang aktibong kinalaman sa usapin, naisip din nila iyon at ngayo'y pinag-uusapan nila iyon nang may kasiyahan…"Sayang at hindi na siya namatay.""Mabuti nga sa kanya.""Mas kasalanan pang pumatay ng aso kaysa pumatay ng isang kagaya niya.""Ang pesteng gaya ng isang 'yon! Bakit kailangang maawa sa kanya ang kahit sino?"May iba pa, na siyang nakararami, na hindi interesado sa nangyari kayFak. Nabubuhay sila nang walang pakialam at hindi sila nag-aabal sa problemang iba. Kapag nababanggit ang nangyari, nakikinig sila nang walang interes at hindi nagsasabi ng anumang opinyon. Wala silang ipinakikitang awa o simpatiya kay Fak kaugnay ng mga nangyayari at wala silang hangaring mapasangkot. Iisang bagay lang ang laman ng isip ng grupo ng mga taong ito…"Wala akong pakialam."May isa pang grupo ng tao na may makataong pakiramdam at nakakadama ng awa sa taong pinagsamantalahan o naging biktima ng pang-aapi. Pero sa nayong ito ay hindi ito marami niyon. Ilan sa kanila'y lihim nanaaawa kay Fak sa pagkakabugbog dito, bagama't hindi pa nila tinatanaggap ang katotohanan na hindi nito inaasawa ang sarili niyang madrasta. Para sa mga taong iyon, magkaibang bagay ang dalawang istorya.Gayunman, wala sa kanilang may lakas ng loob para tumulong kay Fak. Natatakot sila na sila mismo'y maging sentro ng mga tingin ng mga tao. Kaya kinimkim na lang nilaang kanilang awa sa kanilang sarili at tahimik na ipinasya na hindi dapat ginawang mga sumalakay kay Fak ang ginawa nila.Sa grupo ng mga taong ito, si Saproe Khai lang ang nangangahas namagbaba ng sarili at tumulong kay Fak. May mga gabing pumupunta siya sabahay nito para tumulong sa pag-aalaga dito at gamutin ang mga tinamo nitongsugat, tulad sa isang ama na nagmaamlasakit sa kanyang anak…"Ay … sobra talaga ang ginawa nila ngayon sa 'yo, ano?"Ito ang mga unang sinabi niya ng makita niya si Fak kinabukasan ng gabing iyon. Hindi sumagot si Fak, ngumiti lang isang bunging ngiti. Marahil ay dahil masyadong masakit ang bibig niya kaya ayaw na niyang magsalita, at isapa, wala siyang masasabi, kundi ngumiti…Lahat ng naganap ng gabing iyon ay naging dahilan para lalo pang magkulong sa sarili niya si Fak hanggang sa maging mas tahimik pa siya sa dati, na tulad ng isang pipi…May sapat na ideya si Mai Somsong sa nangyari kay Fak. Nagawa niyang hulaan sa pamamagitan ng mga pasa ng mga hiwa at sugat na madali naming makita. Kaya hindi niyang iniwasang sumunod sa mga ipinag-uutos ni Fak natulad ng pagsasaing o pagbili ng alak, at sinikap din niyang huwag gaanong lumapit at abalahin ito, maliban sa kalaliman ng gabi, kapag nakatulog na si Fak sa kalasingan, ikakabit na niya ang kanyang kulambo at maghihintay siyang nakabantay. Kapag hindi na ito bumubiling o kumikilos, gagapang na siys sa loob ng kulambo nito…Patuloy nang ginampanan ni Fak ang mga katungkulan niya bilang dyanitor ng eskuwela hanggang sa katapusan ng buwan (Agosto), at nang matanggap niya ang huling suweldo niya, itinabi niya iyon nang buo at hindi bumawas ng kaunti man para iwan sa prinsipal dahil naisip niya na ganitong wala na siyang pagkukunan ng suweldo na makukuhanan niya ng maitatabi, ang mangyayari na lang ay magwiwidro siya sa prinsipal. Kailangan niyang tipirin ngayon ang pera niya at bawasan ang paggasta sa mga bagay na di kailangan, at ang mga bagay na hindi kailangan para kay Fak ay anag tatlong beses na pagkain araw-araw. Hindi niya kailangang alalahaning masyado ang tungkol sapagkain dahil alam niya na makakakuha siya lagi sa templo ng sapat para ibusog sa sarili kahit isa, kundi man tatlong kainan isang araw.Mas nag-aalala siya kayMai Somsong na hindi na makakain nang sapat araw-araw.Kalagitnaan ng Setyembre…Ang istorya tungkol kay Fak ay nag-umpisang mahawi sa labi ng bawatisa at hindi nagtagal ay hindi na iyon pinag-uusapan ng mga tao. Ang tanging bagay na lang na interesadong pag-usapan ng mga tao ngayon ay angelektrisidad na ikinakabit na sa nayon. Kahit hindi sa ano pa man, maski paano'y nakatulong iyon para mamatay ang usapan tungkol kay Fak at sa kanyang madrasta…Lahat ng tao sa nayon ay pursigidong makatulong sa mga trabahador sapaglalagay sa lugar sa mga kongkretong poste para mas mabilis na matapos ang trabaho. Nakahanda silang lahat na magsakripisyo ng lakas at salapi para sa kapakanan ng kumportableng kinabukasan at modernisasyon ng nayon. May mga taong nangangarap nang makapag-ari ng telebisyon,refrigerator, o bentilador. Hindi na nila alalahanin ngayon ang pagsisindi ng gasera na hindi pa makapagbigay ng sapat na liwanag para ilawan ang kanilang paligid.Hindi magtatagal at sa halip ay magkakaroon sila ng mahahabang tubong fluorescent para magbigay-liwanag sa kanilang tahanan. Magagawa niyong ilawan ang buong bahay, at sa kalaliman ng gabi, kung kailangan nilang magpunta sa banyo, hindi nila kailangang mag-abala pa na magsindi ng gasera at magbitbit niyon papunta sa labas. Wala silang dapat gawin kundi pindutin ang bukasan at ang buong bahay ay magliliwanag at iglap na matataboy ang kadiliman sa banyo. At pagdating naman sa pagpaplantsa ng mga damit, hindi na nila kailangang magpabaga pa ng uling sa mabigat na plantsang bakal nagaya ng ginagawa nila ngayon. Hindi na sila mamumutol ng mga dahon ng saging para ilagay sa plantsa at hindi na nila kailangang tiisin ang nakayayamot na ingay ng nasusunog na dahon. Hindi na sila magbubuhat ng mabigat naplantsa at maliligo sa pawis bago matapos ang pamamalantsa nila. Sa pamamagitan ng bagong plantsa, wala silang tanging dapat gawin kundi isaksakito at hintaying mag-init at, gayundin, magiging singgaan lang iyon ng pag-aangat sa isang balahibo.Nagkuwentuhan at nag-usap-usap ang mga tao tungkol sa pagsasaing at pagluluto ng isda, at wika nila'y hindi na sila maniningkayad ngayon sa harap ng apoy sa loob ng kalahating oras o higit pa, na mawawala ngayon ang kanilang pag-aalala na baka masunog o lumata ang sinaing, na hindi na sila mag-aaksayang oras at magagamit pa nila sa ibang gawain. Sa bagong de-koryenteng ricecooker, wala silang gagawin kundi isaksak iyon, I-set ang orasan at iwan na, at pag handa na ang kanin, bahala na iyong kusang mamatay. Hindi na sila ngayon mauupo sa harap ng mainit na kalan, nagbabantay at nagpapaypay ng apoy,naggagatong ng kahoy, etsetera. Pag mayroon na silang refrigerator, makakagawa na sila ng sarili nilang yelo at magkakaroon ng malamig na tubig na pamatid-uhaw kahit kailan nila gusto. Makakapag-imbak sila ng gulay at karne at magkakaroon ng sariwang pagkain sa lahat ng oras. Hindi na sila mag-iimbak ng pagkain sa palayok para mawala lang ang lasa ng baka o baboy na tulad ng kaso ngayon…Ang mga bagay na ito ang mga pangarap at usapan ng buong nayon…Hindi nagtagal at lahat ng iyon ay naging katotohanan at ang buong nayon ay nagliwanag…Hindi natutuwa si Fak tungkol sa pagkakakabit ng kuryente at wala siyang nadaramang inggit o panibugho sa iba. Lahat ng mga oras na gising siya'y nauubos sa bote ng alak at ngayong wala na siyang responsibilidad ng pagtatrabaho, ganap nang malaya ang lahat ng araw niya. Hindi …Hindi ginamit ni Fak ang mga libreng oras niya sa paghuhukay o pagtulong sa pagtitindig ngmga poste ng ilaw gaya ding hindi niya ginamit ang mga libreng oras niya para magpunta sa kabayanan at tumingin ng mga de-kuryenteng gamit na tulad ngginagawa ng iba. At hindi siya nakadama ng bugso ng tuwa at nagtatakbo para mag-usyoso nang makita niya ang mga taong may dalang bentilador, rice cooker, oiba pang de-kuryenteng gamit mula sa mini-bus ni Ai Kleeio na kararating langmula sa kabayanan. Karamihan sa mga de-koryenteng gamit ay aalisin sa kahonat ididispley sa tindahan ni Pa Chua at maiipon ang pulutong ng mga tao paramag-usyoso, at alam ng lahat kung sino ang bumili ng ano. Paminsan-minsan,ang delivery van ng tindahan ng mga de-kuryenteng gamit mula sa bayan ay maghahatid ng mga refrigerator at telebisyon, o kaya'y darating ang tauhangmagkakabit ng antena ng t.v. Ito'y lagi ng tumatawag ng malaking interes at magkukulumpon ang mga tao para mag-usyoso.Sa bawat pagkakataon naidineliber ang isang gamit sa bahay ng isang tao, isang prusisyon ng mga tao ang susunod sa sasakyan at manonood sa ginagawa. Kung set ng telebisyon, mananatili roon ang mga tao hanggang sa lumitaw ang palabas sa screen."Hindi kasing linaw ang palabas sa telebisyon sa bahay ng prinsipal, pero mas maganda ang set kaysa sa bahay ng Kamnan," kanya-kanya silang sabi ng opinyon depende sa sarili nilang palagay.Hindi interesado si Fak alinman dito at hindi kailanman nakisali sa prusisyon ng mga tagasunod. Nasisiyahan na lang siya na hindi na siya gaanongpinapansin ng mga tao na gaya ng dati. Ginagamit pa rin niya ang kanyang maliit na ilawang-langis para ilawan ang kanyang bahay at nanatiling kuntento sa kanyang lumang lutuan ng kanin at bumabagsak nang kalan, at ang hanging umiihip sa loob ng kubo niya ay sapat na para siya mapreskuhan. Natitighaw pa rin ang kanyang pagkauhaw ng tubig-ulan na inimbak niya sa bariles sa tabi ng kanayang dampa at maligaya na siyang manatili sa ganitong pamumuhay.Napakatamad niya para matuwa at hindi niya maintindihan kung ano ang nakakatuwa. Walang bagay sa buhay niya nakarapat-dapat pagtindigan ng pag-asa at ang tanging bagay na naghahatid sa kanya ng tuwa ay ang pagpunta sa paradahan upang bumili ng alak…Hindi na nag-aabala si Fak na alagaan ang kanyang sarili. Hinayaan naniyang dumumi ang kanyang katawan at hindi na tumitingin pa sa salamin para alamin ang kanyang hitsura. Nag-umpisa siyang mangamoy at nagpatuloy ang pagsama ng hitsura niya sa bawat araw na magdaan. Hindi niya namamalayanang mga pagbabagong nagaganap sa kanya at hindi niya napapansin angmanilaw-nilaw na mantsang lumilitaw sa katawan niya o ang paninilaw ng puti ng kanyang mata. Ang tanging alam niya ay ang pangyayari na pag hindi siya nakainom agad pagkagising niya, hindi siya magkakaroon ng lakas na harapin ang maghapon. Kahit tangkain niyang angatin ang tabo ng tubig para hilamusan ang kanyang mukha, talagang ni wala siyang lakas para gawin iyon. Manginginig ang kanyang kamay at makakadama siya ng pagkainis.Napakalaking abala niyon para sa kanya at hindi niya magawang iangat ang kahit ano maliban sa bote ngalak, at tuwing tutungga siya mula sa bote, nadarama niyang bumabalik ang kanyang lakas. Alam niyang sumasakit ang kanyang gilagid tuwing ngunguya siya ng pagkain, at napansin niayng nag-uumpisang mamanas ang kanyang mga paa, pero ikatuwiran niya na ito'y bunga ng labis paglakad niya at iyon naman ay gagaling din.Kapuri-puri ang asal ni Mai Somsong. Ang buhay niya sa piling ni Fak aysimple lang at hindi palahingi. Nagpatuloy siyang mabuhay sa dating istilo niya at kuntento na ang kayamanang iniipon niya sa kubo ay nadagdagan na at patuloy na nadaragdagan sa bawat araw. Mga basag na pinggan, mga bunging tasa, may lamat na baso, bao ng niyog, bulaklak na papel, basyong lata, at iba pa. Itinatabing lahat iyon ni Fak sa kubo nang walang pag-aalala na itatapon iyon ni Fak gaya na dati. Hindi lamang nadagdagan ang kanyang kayamanan, kundi nadagdagan pa ang panahon niya para maupo at hangaan ang mga iyon. Araw at gabi ay mauupo siya roon at masusing eeksaminin ang mga ito mula sa paningin ng isang eksperto, sa paraan na sinusuri ng isang propesyunal na kolektor ang halaga ng isang bagay sa kanyang koleksiyon.Kapag nangyayari na masyadong natatamad si Fak para intindihin ang pagkain niya, siya mismo ang pupunta at kukuha niyon sa mga batang templo. Minsa'y aalis siyang maraming dala, minsa'y kaunti lang, depende sa kung ano ang ibigay sa kanya ng mga katulong para siya mabuhay. Ang mga gabi niya'y hindi na balisa na tulad noong mga araw na hindi siya puwedeng mahiga sa tabi ni Fak at yakapin ito sa kalaliman ng gabi. Kahit pa kailanma'y hindi ibinili ni Fak ng bagong damit si Nang, hindi iyon problema para sa babae. Maaari pa naman niyang isuot ang kanyang mga lumang damit, sa kabila ng pangyayaring marurumi at punit na ang mga iyon at naglalantad sa isang pirasong hita dito at doon. Walang pumapansin sa kanya. Naliligo pa rin siya araw-araw, nagsusuklay ng kanyang buhok at humuhuni ng kanyang awit pagsayad ng gabi…Kahit naninirahan silang magkasama sa iisang bubong, ang kanilang buhay ay nasa magkalayong daigdig. Para kay Mai Somsong, oras na nakakain na siya ng almusal ay lalabas na siya upang maghanap ng kayamanan, minsa'y umaalis siya ng bahay bago pa man magising si Fak. Hahanapin niya ang kanyang kayamanan sa lahat ng sulok na pagdalhan sa kanya ng kanyang mga paa. Minsa'y titindig siya roon at tititig sa mga poste ng komunikasyon na kasalukuyang itinatayo at mangunguhang mga piraso ng kawad ng kuryente at kapag nakalikom na siya ng sapat nadami ng piraso ay babalik na siya sa bahay.Walang pumapansin sa kanya habang pagala-gala siya sa maghapon. Kapag napagod na siya sa kalalakad, magpapahinga siya sa entablado ng maliit na open theater. Kapag nagutom siya, lalabas na siya uli. Sa gabi, hihintayin niyang makatulog si Fak sa kalasingan. Sa mga huling sandali bago ito maidlip, maririnig niya itong bumubulung-bulong,"Umalis ka dito… layas! kinasusuklaman kita! magpapa-ordina ako.Ibig kong magpa-ordina. Ikaw ang dahilan kaya sige, umalis ka rito."Ganoon lagi gabi-gabi. May mga gabing maririnig din ang musika ng chanting. Oras na makatulog naang lalaki, ikakabit na ni Nang ang kulambo at gagapang sa loob upang matulog sa tabi ni Fak. Pagdating ng umaga, mabilis siyang lalabas bago ito magising… Malamang ay hindi naiintindihan ang ibg sabihin ni Fak pag sinasabi nito,"Umalis ka… ikaw… umalis ka dito…"Patuloy na nanatili doon si Nang at walang ipinakikitang intensiyon na umalis. O marahil ay iniisip ni Nang na nagsasalitalang ng ganoon si Fak dahil lasing ito kaya hindi niya pinapansin ang pang-aabuso ng lalaki. O maaari din namang dahil wala siyang ideya kung saan siya pupunta. Ang buhay ni Nang ay nakatagpo na ng puwang sa nayong ito at sa ayos ay tila dito siya nakatalagang manatili. Sino ang makagsasabi…Hindi pumatak ang ulan sa loob ng maraming araw, samakatuwid ay tapos na ang panahon ng tag-ulan. Ang pagkawala ng ulan ay proseso ng kalikasan na hindi mapipigil ninuman o maiiwasang mangyari. Dumaan ito nang matahimik at halos hindi napapansin.Lahat ng bagong kuti sa templo ay kumpleto na ngayon at ang natitira nalang ay maliliit na trabahong magagawa ng mga trabahador. Mga isa-dalawangaraw na lang para sila matapos nang husto. Ang komite ng mga sibilyan ay nagdaos ng pulong para itakda ang araw ng pag-aalay ng mga robang Kathin at disidido sila na maging araw din iyon ng paggunita sa pagkayari ng mga bagong kuti…Anim na araw pagkaraang matapos ang Pansah, dumating ang grupo ng Kathin sakay ng tren mula sa Bangkok. Napuno ang paligid ng templo sanangakaparadang sasakyan at pulu-pulutong na mga kabataan mula sa Bangkok ang malayang gumala sa lugar. Nakisali sa pulutong ang mga tao sa nayon at nagdagdag ng kisaw at kaabalahan, at nakisali sa merit making ceremony sapagtatanghal ng Kathin. Madaling makilala ang mga taong lokal at mga bisita mula sa siyudad. Nakisali ang lahat at tumulong nang husto sa isa't isa. Pagkaraang makumpleto ang pang-relihiyong pormalidad at mabilang na ng komite ang mgaalay na salapi, isang kinatawan mula sa bangko sa kabayanan ang dumating para kunin ang pera at ligtas na ideposito sa bangko.Bago gumabi ay nag-umpisa nang mag-uwian ang grupo mula sa Bangkok. Ilan sa kanila'y medyo lasing na at nag-umpisang tumugtog ng mahahabang tambol at cymbal na nauwisa kantahan at sayawan na nagpasigla sa bawat isa. Natanggap na nila angkanilang merito, nagliliwanag ang kanilang mga mukha at maaari na silang magsiuwi nang buong kasiyahan.Nang gabing iyon ay isang pelikula ang ipinalabas sa templo. Ito'y bilangp agdiriwang sa pagkayari ng mga batong kuti at sa presentasyon ng Kathin at,gayundin, para bigyan ang mga taganayon ng pagkakataong makapagpahingang maghapong paggawa. Pero ang mga tao'y hindi na kasinsabik na gaya noong mga nakaraan. Sabi ng ilan sa kanila:"Mas masarap pang mahiga sa bahay at manood ng telebisyon."Nag-enjoy nang husto si Fak nang araw na iyon. Gumala siya sanasasakupan ng templo at malayang nakisalamuha sa lahat. Manaka-naka'y nagpupukol siya ng tingin sa mga kabataang lalaki na nakaupo sa bus at tumutugtog sa mahahabang tambol hanggang sa lumapit na nga siya sa mga ito para makipag-inuman. Nang maging kasinlasing na siya ng mga ito, inimbita siyang mga itong sumayaw. Bagama't hindi siya dating sumasayaw, sumayaw siya sa tiyempo ng mahabang tambol. Umawit siya at sumayaw nang buong maghapon, wala kahit kaunting pakialam na pinagtitinginan siya ng iba, o kahit katawa-tawa na ang itsura niya.Ginugol ni Mai Somsong ang maghapon sa paggala nang walang direksiyon sa lahat ng lugar. Suot niya ang paborito niyang blusa na pulang bulaklakin, na ang kulay ay kupas na ngayon, at hindi pa sapat iyon, may mga punit na sa bandang likod. Walang ganap na makapagsasabi kung gaano siya kaligaya, pero naglagay siya ng pulang bulaklak ng gumamela sa likod ng kaliwang tainga niya. Gumala siya't nakisalamuha sa mga babae sa nayon at nang dumating ang oras ng paghahanda ng tanghalian, gumala siya sa kusina at nanood sa preparasyon ng pagkain. Napahiya ang mga babae sa nayon sa pagtanghod niya at tinangka ng mga ito na siya'y ipagtabuyan, pero sabi ng mgakabataang babaing taga-Bangkok ay dapat talaga silang humanap ng pagkaingmaibibigay sa kanya. Awang-awa ang mga ito sa kanya kaya walang naglakas-loob na tumanggi. Naglunoy si Mai Somsong sa atensiyong inuukol sa kanya ngmga kabataang babae at punung-puno ng interes na pinanood niya nang kuninng mga babae ang kanilang tubo ng lipistik at pintahan ang kanilang mga labi pagkatapos kumain. Nainteres siyang mabuti sa matingkad na pulang kulay ng lipistik, at itinuro niya iyon at sabi niya,"Bigyan mo ako ng isa."Sa harap nggimbal na mga mata ng mga babaing taga-nayon, na lubhang napahiya sa inasal ni Mai Somsong, isang kabataang babaing taga-Bangkok ang nag-abot kay Nang ng tubo ng lipistik."Ay, huwag mong ibigay sa kanya. Medyo luka-luka iyan.""Di bale. Marami naman ako."Ang kabataang babae, na ang labi'y napipintahan ng pula, ay ngumiti sa kanila ng matamis. Sinambot ni Mai Somsong ang tubo ng lipistik at nagmamadaling umuwisa bahay bago iyon bawiin ng taong nagbigay sa kanya. Nang makauwi,namalagi na sa bahay si Nang at ayaw nang lumabas uli.Nang gabing iyon, sinuman kina Fak o Mai Somsong ay hindi na nanood na palabas. Si Fak ay natatakot lumabas sa dilim at si Mai Somsong ay natatakot pa rin na kailanganin niyang isauli ang lipistik, kaya hindi nangahas na lumabas. Ang mga bagong kuti, na nakahilera sa magkabilang gilid ng lupa ng templo, ay napakaganda. Itinayo sila sa tradisyunal na istilong Thai at dalawangpalapag ang itaas. Sa gitna ay an kogedor at ang itaas ay ang bulwagangdasalan. Paglatag ng dilim, ang templo ay naiilawan ng de-koryenteng liwanag. Regular na naglilitawan ang mga antena ng telebisyon sa bubong ng mga bahay ng mga taong may kauting pera. Para sa mga taong nangangarap pa lang ng telebisyon, kailangan nilang pumunta at makipanood sa bahay ng kanilangkapitbahay o kaibigan. Ang modernisasyon na dumating sa nayon, hindi nagtagal ay nagging ordinaryong bagay na lang dahil kinasanayan na iyon ng mga tao at ang tuwang naghari noong unang ikinabit ang koryente ay namatay na.Gusto ng ilan sa kanila'y itaboy nang tuluyan si Fak sa nayon dahil wala namang pakinabang ang sinuman sa pagiging narito nito, liban sa nagagamit nila ito bilang masamang halimbawa kapag tinuturuan nila angmga bata. Ang tanging bagay na pumipigil sa kanila'y si Luang Pho na tumatangging ipagtabuyan si Fak, dahil doon ito nanirahan sa lupa ng templo. Kasabay ng pagkakaroon ng interes kay Fak, tumitingkad ang pagiging abnormal ng kundisyon ng lalaki. Lalo pang nanilaw ang kanyang balat na parabang pinulbusan niya niya ang sarili ng tumeric, at iba't ibang bahagi ng kanyang katawan ang tinubuan ng mga pasa at namumula-namemerdeng mga marka.Ang sakong niya ay lubhang namaga na para bang namemeligro na iyong pumutok, at bagama't ang katawan niya'y patpatin at tuyo, malaki't namamagaang kanyang tiyan, ang nagbibigay sa kanya ng itsura ng isang buntis na babae.Nag-aalsahan ang mga ugat sa kanyang tiyan, at, hindi pa yata sapat iyon,lumaylay at lumaki ang kanyang mga suso na tulad sa isang nagdadalaga.Kinukutya siya ng ilang tao sa pamamagitan ng pagsasabing,"Lumalaki ang suso ni Ai Fak at siya ay buntis. Hindi magtatagal at manganganak na iyan."Sa bipa ng iba'y nabuntis siya ni Ee Somsong. Sabi naman ng iba'y napalitan angkanyang katawan ng katawan ng isang babae dahil inasawa niya ang asawa ngkanyang ama."Karma. Nakakarma siya sa harap mismo ng ating mga mata."Sa nagdaang panahon si Fak ay ginagamit bilang magandang halimbawang isang mabuting kabataan sa nayon, pangangaralin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagsasabing,"Bakit hindi kayo tumulad kay Fak?"At ngayon, si Fak ay minsan pang ginagamit na halimbawa upang ipakitana hindi na kailangang maghintay pa muna ng kamatayan para tanggapin ang resulta ng masasamang gawa o para mahulog sa impiyerno. Tumatanggap na siya ng kaparusahan ngayon, dito sa buhay na ito."Gawin n'yong halimbawa si Ai Fak."Hindi ganap na tamang sabihin na si Fak ay lubos na walang silbi sanayon, dahil, manaka-naka kapag nagloloko ang mga bata o ayaw magpakatino, tatakutin sila ng kanilang mga ina sa pamamagitan ng pagsasabing,"Pag hindika huminto sa kaiiyak, darating si Ai Fak para kunin at isama sa kanya."Pag narinig na nila ito, hihinto na agad sa pag-iyak ang mga bata at uupo roon nang walang kilos sa matinding takot. Ilan sa mga batang lalaki na nakakakita ng kasiyahan sa panunudyo at kapilyuhan ang nagsasamantala nang husto sa hitsura ni Fak para magkatuwaan sila. Tutuksuhin nila at tutudyuin si Fak hanggang sa habulin sila nito at sikaping hulihin. Pero walang paraan para mahuli ng mataba at tamad na katawan ni Fak ang mga bata. Pag nanunudyo, ang isinigaw nila," Ai Fak, lasenggo, pinaghuhubad niya ang asawa niya!"" Ai Fak, lasenggo, pinaghuhubad niya ang asawa niya!"magpapalakpakan ang iba pang mga bata sa paligid at didilaan si Fak at ngingiwian pag dumaan ito sa tapat nila. Oras na nagalit na si Fak at hinabol na sila, magtatakbuhan na ang mga ito at kakalimutan na ang kanilang mga kaibigan. Bahala na ang isa't isa sa sarili nilang kaligtasan.Tinangka ni Lung Khai na patigilin siya sa pag-inom, pero huli na. Hindi titigil si Fak at ni hindi niya iniisip ang posibilidad ng pagtigil. Pinayuhan siya ni Lung Khai na pumunta sa kabayanan at magpatingin doktor, pero ganito lag ang isinasagot ni Fak,"Ayos lang ako. Wala akong sakit."At ayon sa pagkaunawa ni Fak sa salitang "Ayos," ayos si Fak at magpapatuloy na ganoon, kahit papalapit na ang panahon ng taglamig. Ang totoo, sa ganang mga taganayon, hindi talaga istorbo ang panahon ng taglamig, dahil ang panahon ay hindi singlamig ng ibig ipakahulugan niyon.Lumalamig lang nang kaunti ang panahon at nagiging mas maginhawa.Edited by:Pamela Dennisse G. Serrano IV-Faith