Ang ebanghelyo (Ingles: gospel) ay isang salitang hinango mula sa wikang Griyego na nangangahulugang ang "mabuting balita hinggil sa kaligtasan". Binubuo ang Bibliya, ng apat na mga ebanghelyo: ang mula kina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Mayroong sagisag ang bawat isa ayon kay propeta Ezequiel: "Tao" para kay Mateo, "Leon" para kay Marcos, "Baka" para kay Lucas, samantalang "Agila" ang kay Juan.